Friday, January 31, 2003

Years ago, here in the Philippine there is this communication device that almost all Filipinos have. Magtataho, mag fifishball, tindera sa palengke, security guard ect. I Also have it. The Cellular Phone or simply cell. Mine is a Nokia 8210 (for more details on nokia phones visit www.nokia.com) So many friends have been Texting me (yeah "Text" thats what they called Short Messaging Servive or SMS here in Manila.) I've compiled the text messages that I will call "Love ones!" if I may say and called it "Mga kataga ng pagibig!". Been collecting this for a year or so. Well, here it is. Alin kaya ang bagay sa iyo? Basa lang sa baba!!!!

Mga kataga ng Pag-ibig

Miss ko na ang mga oras na magkasama tayo, yung kwentuhan natin at kulitan, gusto ulit kitang kasama, pano na yan? Kailangan pa ba kitang ipagpaalam sa kanya kahit na dati’y akin ka?

Masakit pag yung taong mahal mo iniwan ka. Mas masakit pag nakita mo na may kasama siyang iba. Pero diba pinaka masakit pag nakita mo na masaya sya? Masaya siya… dahil… wala ka na.

Minsan badtrip magmahal, iwasan mo ikaw din ang masasaktan, sundin mo ikaw din ang iiyak, bigay mo lahat, kulang parin, nagpakatanga ka na gagaguhin ka pa, minsan hintay ka ng hintay di mo alam iniwan ka na pala.

Mahal kita, pero ni minsan hindi ako naghintay na ano mang kapalit. Kahit kailan hindi ako humiling sa iyo na alagaan mo ako… na isipin mo ako… na maalala mo ako… o kaya ay mahalin mo din ako… Pero hindi ko maalala… sinabi ko ba na saktan mo ako?

Kailan mo masasabi na di mo na sya mahal? Yung talagang nakalimutan mo na siya? Yung kahit na mag makaawa siya, tatanggihan mo parin siya? Hindi mo masabi? Dahil ang totoo… makita mo lang siya, nakakalimutan mo na lahat!

Wala na siya!? Wala na siya! Wala na!

Malalaman mo lamang ang tunay na taong nagmamahal sa iyo sa oras na gamitin mo na ang iyong huling hininga.

Ano ba ang mas mahalaga sa dalawa? Ang “mahal kita” o ang “mahal mo ako?” Ano!? Pero hindi ba mas maganda kung “mahal natin ang bawat isa?”

Balita ko mahal mo pa siya? Totoo ba? Ouch! Pasensiya ka na ha, Mahal kasi kita eh. Pero pag ayaw niya na sa iyo, andito lang ako, kahit panakip butas lang ok na. Kahit masaktan pa ako ok lang, wag lang ikaw… Kaya lang…Papaano ko ba sasabihin na mahal pa rin kita, kung meron ka ng ibang mahal? Paano?

Kailan kaya mananahimik ang mga nabigong pag-ibig na walang dulot kundi lumbay, dusa at sakit? Kailan kaya kaya ako matututo? Sad-sad na nga ako lalo pa akong ibinaon. Tulungan nyo po ako.

Sa bawat oras na magkasama tayo, pinipilit kong maging makabuluhan ang bawat sigundo. Ikaw palagi ang nasa isip ko minu-minuto. Halos lahat ng panahon ko ay ibinuhos ko sa iyo, dahil ikaw lang ang mahalaga sa akin. Paano yan ngayon, wala ka na?

Minsan natuto akong magmahal…Minsan naranasan kong masaktan…Minsan natuto akong umasa…Kasi minsan…Minahal kita ng sobra sobra.

Mahirap umasa sa wala, mahirap magmahal sa taong may mahal na iba, mahirap ipagtanggol ang taong walang pakialam sa nararamdaman mo, higit sa lahat, mahirap masaktan kung wala naman karapatan.

Masayang balikan ang nakaraan…Mga hirap na pinagdaanan, mga tawanan at iyakan, mga saya at kalungkutan…Pero higit sa lahat, ay ang pinagsamahan…Thanx ha! Miss na kita…

Kelan kaya yung huli tayong nag-usap? Nagbiruan? O tumawa? Ok lang kung hindi mo na maalala, gusto ko lang malaman mo, namiss kita…sobra…

TANGA daw ako pag pinakawalan pa kita. GAGO ako pag sinaktan kita. BALIW daw ako pag pinagpalit kita… e SIRA ULO pala sila! Pano ko gagawin yun?… Akin ka ba?

Sa buhay ko meron akong minahal…Merong minamahal…at siguro…may mamahalin pa…alam mo kung saan ka dun?…Ikaw yung…Buhay ko!…

Thursday, January 30, 2003

This is my second time to put something on my blogger
anyway this is just a test if you can read this, I guess its working.
Keep on coming back coz ill be puting alot more about me in here. Like what happened to me in the past weekends, or maybe what i did on my job. till then.
Hi there,
this is my first time to blog!
hope this thing works
Good Luck to me!!