...A day in the life, for once in my life. My personal history LOVE it or HATE it.
Friday, November 13, 2009
"Diet diet diet..."
I need to get a diet or exercise perhaps! Im already 78kg and need to loose 6-8Kg to make me SEXY. Hahaha. okay lang basta I need to stay healthy. I hope I can keep up with it specially SMOKING! Good Luck! Kaya mo yan ton2x... Anyway healthier life does not mean no fun at all...
Band
Practicing with luis metal kid. this nine year old boy is getting better and better. Our arrangement is jam every sunday! He's really amazing. up there is our rehearsal (RacerX - Technical difficulties). Check out his youtube account here.
Last night we played at freedom bar. it's my first time to play GnR's "Don't cry" and men i say... It felt like WOW! Two new songs added in our list. Anyway were just a tribute bands for GLAM ROCK bands in thje 90's and enjoying it. Para akong bata kagabi, nung HS kase di kame makatugtog ng Dont cry ng GnR ng maayos pero kagabi! BAM... elib sila, lalo na sa adlib ni sir Armand... Pati 18 and Life... grabe... Salamat din pala sa black gulaman at Basi!
yun....
Friday, November 06, 2009
"Busy week"
I was on a days off from work last monday and tuesday, and thought its going to be a short week for me. But so much for my expectations. Anyway, what is important is that I have a productive week. Laundry day on monday, Tuesday laundry and room cleaning. Yep, cleaned my record collection (CD's). Wednesday, preparations of going to Bataan which is work related. Thursday, Bataan trip. Now, friday, computer encoding and printing. Wow busy talaga.
Yun lang...
Monday, November 02, 2009
"short rant"
Jammed with sir Lester, drummer of fuseboxx. On a short note: We did not practice, but at least we still manage to pull it off. everybody loved our set. 'We all die young was a killer'
Tuesday, October 27, 2009
"Rants"
Katapos lang ng work, kaya may time pa konti para makapag blog. Ilang araw nalang long weekennd na naman. Undas na! Ano kaya mangyayare. Malamang kita kits na naman ng ibang kamag anak, plus punta din ako malamang kila acel. Anyway magkalapit lang kame sa la loma.
Party Bday ni Jp, wala pa kame magawa ni acel dahil wala pa yung budget. Anyway meryenda lang ata ang gusto nya, bukod dun sa MP3 player na inaasam asam nya. May holloween party kaya, Baka. Bday ni harry pero wala naman atang plano dahil wala pa din budget.
Balag, mamaya sa freedom bar.
Got to go guys!
Late na ako
Sunday, October 25, 2009
"Big Bang"
Got the Big bang theory series last week and started watching season 1... Nakakatawa ito in a geeky way. Look, they even have a card catalog cabinet sa sala nila. Hahaha... I love to watch this on jack TV but cant seem to find the time, Kaya eto sa DVD nalang.
Wednesday, October 21, 2009
"AMPEG SVX"
In my last post, can't seem to use AMPEG SVX on my netbook. Even on Acel's laptop... I wonder?! Then i started reading the manual on how to use it in standalone mode and found out that you need a good soundcard interface. Anyway, I borrowed this MBox as seen on the pic at the right. I downloaded the Stand-alone driver for win xp. This Mbox is bindled with Protools. Now using this on my netbook without the protools, Im going to need a driver.
Finally, ive installed and tweek some setting to make the Mbox as the default sound device. The output sound goes out on the Mbox too then directly to my bass amp (as seen on the 2nd pic) connected via the return input jack. I've enjoyed some of the presets, lalo na yung mga AMP styles ng Ampeg. I installed this para man lang ma experience ko yung Ampeg. Di pa ako naka gamit nito sa gig e. Nakagamit lang ako nito as combo amp ng mag test ako ng Dame guitars sa sowroom nila, Combo amp pa yun. Mahal naman kase talaga. Ayun...
Then, I need to return the Mbox... At least alam ko na kailangan ko bilin para gumana ito. Hardware pala... May mahanap sana ako na murang replacement. Yung tamang tig 1k lang...
Sunday, October 18, 2009
"Down low"
Akala ko may bago na akong laruan para sa bass ko! MALI!
AMPEG SVX is working fine. Astig to thats why Im keeping it muna.
Problem. The latency is not good. I've installed it on a high processor but still, the latency buffer is bad. Read the manual and found out na kailangan mo ng magandang soundcard. Im planning to borrow one sa friend ko. Gumana kaya ng maayos? May M audio sya. Diko lang alam kung pano ilagay yun sa windows machine. Kase Mac gamit nya e.
for now, balik sa pedal board ko. hahaha.
Friday, October 16, 2009
"AMPEG SVX"
Got This new software installed on my netbook. Just now. Mamaya susubukan ko ito gamitin. Makaya kaya ng netbook with the actual use?
Its AMPEG SVX. Virtual amp and effects software...
Eto gameplan ko mamaya: Bass Guitar >> Computer >> Amp
Always wanted to have this kind of software. I'll definitely have this installed pag may desktop na kame ni Acel. I'll add reviews pag nagamit ko na mamaya!
Thursday, October 15, 2009
"Ondoy"
The last post was about our Boracay trip. Which is like last february pa. Not really updating this blog, and facebook is awesome. Anyway, After the typhoon "Ondoy", Which totally disabled all people in metro manila, i got back into reading. Were lucky were not affected that much. Bumaha man kila acel sandali lang. But some of my things got wet. Pero ayus lang yun. I cant complain much kase mas madami pang mas malala, ing iba pa nga namatayan. Hirap din kase si Acel at that time asa Tagbilaran, Bohol, may trabaho. Ang hirap daw ng alam mong may nagyayareng di maganda tapos wala kang magawa. Nag alala pa sya ng husto kase di kame matawagan nung mga time na yun. Since walang magawa sa bahay dahil one week kame na walang pasok, Nood lang ng TV, Internet, playing with my bass guitar at basa lang ng book.
Got an e-book of The lost symbol and started reading, di ko pa din sya tapos basahin pero interesting sya. Ang huling book na nabasa ko ay yung ke Bob Ong na "Kapitan Sino" na regalo pa sa akin ni Acel.
Anyway updates ulit hopefully tomorrow!
Wednesday, October 14, 2009
"New Look"
Just gave my blog a new look. It would be nice for a fresh start...
I'll be updating this from now on... Finally. Like a daily ritual...
Kahit na wala masyadong exitinng sa buhay ko...
hehehe....
Thursday, June 18, 2009
"Ano ba yan!?"
Di ko na na update ang isang ito. Nakabalik na ako sa boracay at lahat kulang pa pala yung kwento ko. hahaha...
Anyway, bahala na...
Friday, March 20, 2009
Boracay Day 2
Tuesday. Medyo, lasing pa ako nun, pero I manged to woke up early. Gusto ko sana maabutan ang sunrise sa beach. Bumangon ako ng maaga, 6:30am pa lang ata nun at maliwanag na. Acel noticed I was awake and ask me where I’m going. Nakita nya kase akong nagaayos ng gamit ko. Sabi ko maglalakad lang sa beach. Sumama sya sya akin gusto din daw nya. Wala pa kames a kalayuan, nagutom na ako. Gawa siguro ng tama ng alak. We went on walking along D’mall and majority of the stores are still closed bukod sa nagtitinda ng bibingka at tapsilog. Nakaabot kames a Boracay road, ayun may nakitang Julies Bake Shop. Bumili kame ng Pandesal. P3.00 each, mainit pa yun kaya na enjoy ko kainin while we are walking. Pag dating sa maapit sa house namin may tindahan dun (ES PAscual), bumili kame ng Chicken spread (P94.00). Hehehe, instant meryenda. Bumili din pala si acel ng Coke. Pagdating naming gising na sila at natuwa dahil nga bumili na kame ng almusal. Nakisabay nadin silang kumain. nagpahinga ulit ako. while resting JP is bugging me to go to the beach. Its only 9AM. Ayun sa kakakulit nya si Harry nalang ang sumama sa kanya. Later on sumonod nadin kami. Naabutan namin si Harry at JP naglalaro sa may tapat ng bahay namin. Nag aya si Ayeene na pumunta sa bandang station 3. Of course long walks with photo ops along the way. I played with the sand there. Ayun binaon nila ako sa buhangin. Tapos si JP naman. Not knowing, its already lunch time. We didn't notice the time. Nagtanong lang si JP kung kakain na daw kame. We headed back to the house para makapag bihis at kumain. Sabi ko kay Harry sa Palenke kame kumain. Pumayag naman ang lahat.
D'Palenke P10 isa pamasahe papuntang palengke. Pagdating dun namalengke kame ng kakainin. Gusto ko sana Ulo ng Fish na isisigang, at dun ko nalaman di pala kumakain yung 2 ng fish na may sabaw. Ginawa ko bumili nalang ako ng 1kilo++ na mayamaya fish for P200 at ipapaihaw ko nalang. Si Ayeene bumili ng hipon 1kilo for P180. Si Jp nag loloko na, nagugutom na daw sya ayaw naman sabihin kung ano gusto. Sinamahan sya ni harry sa Chicken Inasal. Ayun nag take out sila ng BBQ chicken. Malapit banda dun nakita ko yung isang Paluto na restaurant, "SABABI". P100 paluto per kilo per dish. 1 Kilo inihaw na fish. 1/2 kilo ng hipon Sinigang at 1/2 kilo nun Hilabos. At san damak mak na rice. hehehe. Oo naka 3 rice ako sa gutom. Fresh ang mga tinda sa palenke kaya ang sarap kahit simple lang ang pagkaluto. Maayos din ang pagka ihaw ng fish. Ang sarap ng kain ko to the point i used my own hands. Oo masarap mag kamay lalo na isada, But I have to use the spoon kase may sinigang. Sinigang complements the grilled fish kaya ang dami ko nakain. Madami na kame nakain pero madami padin natira. Pinabalot namin yun at pinauwi. Take out ika nga.
Shopping After eating yosi yosi lang at lakad lakad. May mga tindahan din pala dun ng souvinir items. Kaya ayun nagbilihan na din kame. Di naman nainip si JP dahil binilihan sya ni Harry ng Halo2. Sarap na sarap nga silang kumain habang naglalakad. Anyway Tagal talaga mamili ng mga girls di tulad naming boys bili kung bibili. Anyway nag aya na ako bumalik kase masakit na tyan ko. Oo, Kumain ka kaya dapat mag Jerbax ka din, hahahaha. Pagdating sa bahay ni ref ko kagad yung natirang inihaw at hilabos na hipon. Nag siesta kame.
Back at the beach Pahinga kame dahil sa dami ng makain. Si Ayeene may Hang-over pa daw sya. Hehehe. Kahit may cableTV gulat ako ke JP. Ligo na daw sya ulit. Naawa naman ako at gusto ko din sya pagbigyan. Nilagyan ko sya ng Sunblock lotion sa likod at bumaba na kame para maligo ulit. Binantayan ko lang muna sya kase diko maiwan yung ibang gamit namin 2. Syempre Buhangin na naman ang trip ko. Laro ulit ako ng buhangin ng dumating na sila Acel. Syempre picture picture ulit hanggang mag sunset. Ganda talaga ng sunset sa Bora. Enjoy naman kame ni JP.
Dinner Alam kong magugutom sila kaya nag handa kame ni harry ng Dinner. Yup, Nagpabili kame ng Bigas dun sa bantay sa bahay. for P50 two kilos na yun lagpas pa. Paluto ng isang kaserola = P50. Pinaluto namin yung kalahati. Yung natirang ulam na inihaw kanina dinala ni harry sa bilihan ng BBQ. Bumili sya ng BBQ kalye style. Isaw, Pork at hotdog. This time di na maanghang. Nakisuyo sya painit yung natirang grilled fish namin kaninang tanghali dahil galing sa ref yun. Pumayag naman si Kuya. Nilagay nya pa nga sa stick yung mga hipon at iniihaw. Habanag pinapaluto ni Harry yun nag aayus na yung 2 ng mga gagamitin namin at kakainan. Bumili lang kame ng Styropor plates at sa bi ko kamay kamay nalang kame. Nakahiram naman si harry ng lagayan ng ulam at sawsawan. Ang nakakataw, Si jp. Di na nakahintay kahit malamig pa yung tirang manok nya nilantakan na nya. Ayun tepok ang manok. Sarap ng kain namin nun. Lalo na bumili pala si Harry ng Pipino. Hiniwa at sinawsaw sa suka na may bawang. wow! sabay inihaw. Busog ulit ako at madami akong nakain. Anyway ayus lang. Malulusaw ulit yun sa Tequilang iinumin namin. hahahaha.
Inuman Part2 Pahipahinga lang konti at nood ng TV. Ligpit din ng mg apinagkainan dahil nga dun din kami iinom. Maya maya nag punta na ako ng terrace at nag patugtog. Sunod si Harry na dala na yung alak namin. Nag ayus na kame ng iinumin. Hiwa ng Kalamansi at shot glass. Nabasag pala ni harry yung isang shot glass at muntik pa sya matibo. Kaya naiba yung pwesto ng mesa namin sa terrace. Kwentuhan at tawanan magdamag while drinking a bottle of tequila. Sarap pa naman ng hangin nun. Kahit mainit yung tequila sa katawan ayus lang kase malakas yung hangin dun sa labas. Sarap ng kwentuhan at tawanan di namain namalayan naubos na pal namin yung tequila. Nahiga na ako nun at nagpapahinga. Aya ako gumimik kaso walang maiiwan ke JP. Okay lang naman. Harry ang Ayeene decided to go out. Okay lang maiwan kame ni Acel dahil mag isa lang si JP. A few mins, di ako mapakali kaya naligo ulit ako. Ayus, nalamigan ako kaya sarap ng tulog ko with Acel on my side. Sunod Day 3 Pictures at http://alimuom.multiply.com
Thursday, March 19, 2009
"Boracay"
My first trip to Boracay...
Late November 2008, we already bought tickets for Kalibo, Aklan. We got each for 1.5K scheduled for February 23, 2009 and February 26, 2009 via Cebu Pacific Air. I will be telling you our experiences plus the budget we spend for your reference too.
Boracay Trip with:
Ton2x
Acel
JP
Harry
Ayeene
Day 1 – Monday Feb. 23, 2008
Earlier we packed our clothes and things intended for four days. Our flight from Manila to Aklan is scheduled at 11:30AM. We should check-in at aroung 10:30AM. To avoid traffic, at around 8am we decided to head to NAIA3 domestic airport. From Galas, QC to NAIA3 taxi fare is P160.00. We arrive there around 9:15AM. Anyway we decided first to wait outside so I can smoke. Later on we went inside because we are still waiting for the two since we have the print out of our tickets (Cebu Pacific- online booking). Food inside the airport has the same price as the food outside. They have Jollibee, Mr. Donut and a lot more. After Checking in our baggage’s, we went inside for a smoke and ate at Henlin’s. At 11AM they started for boarding. Anyway terminal fee at NAIA3 is P200.00. Not bad considering the cleanliness and orderliness of the place.
The TRIP
Nakakahiya man sabihin, but it’s my first time to ride a plane. Oo, ang tanda ko na bago nakasakay ng plane. Anyway, 3 naman kameng first time nila Acel at JP e. 40 mins lang ata yung plane ride namen. Then land na kame sa Aklan airport. Mas matagal pa yung mag hintay kame sa airport. Matagal din ang waiting para sa boarding, buti nalang may smoking area dun. Nakailang stick din ako ng yosi habang sila ay kumain ng siomai sa henlin. After a couple of minutes, nag announce na sa PA nila na pede na nga daw sumakay sa flight namin. Ayun salampak kame sa sahig kase 2 flights ata yung dadaan dun sa daanan namin papauntang tarmac. The plane taxing while we were taking pictures. Then came the flight. On the air, nakakatuwa ang Cebu Pacific, may palaro sila at ang premyo ay ang kanilang novelty items. Wow ganda ng weather nun kaya walang turbulence at maganda ang mga ulap.
AKLAN
Pagdating namin sa airport sa kalibo, nagpahuli kame bumaba para makausap ko si Captain, Sabi ko first time ng little boy ko sumakay ng plane (parang ako hinde), kaya kung sana pede mag pa picture kasama sya. Pumayag naman sya. Actually mababait ang crew. Pag baba namen syempre Photo op din kames a harap ng plane at sa kalibo airport. Around 12:30PM na din yun. We decided to go to caticlan via Van. Sa Caticlan port nalang daw kame kumain ng lunch. Kala ko maikli lang yung trip, but it took us an hour and a half sa biyahe. Anyway, pagdating naming dun gutom na talaga kame. Wala naman kilalang kainan kaya sa Andok’s din kame natuloy. Sarap kase gutom na talaga kame. P250 ang isang buong manok, kasya na sa amin yun lima pero dahil nga gutom kame sa layo ng biyahe, we decided to add more. JP, wants spaghetti, harry ordered an additional dish (chopsuy), I wanted an extra gravy and pickeled papaya (Achara), ayeene wants coke. Bisog! Nakalipas ang ilang minuto, binayaran na namain ang terminal fee at environmental fee para maka punta na ng Boracay. Pasakay na kame ng Banka, nakilala namin si kuya Jesse, Local sya sa Boracay at sinamahan nya kame para makahananp ng bahay sa station 2. Natuwa pa nga ako, kase pag baba ng banka sa port ng boracay at pag sampa namain sa lupa, agad nyang sinabi sa amin, “Welcome posa Boracay!”. Sumakay kami ng tricycle. P100 ang isang tricyle papunta sa D’mall at galling doon naglakad kame. Oo naglakad papunta sa beach kung saan malapit yung nakuha naming bahay. Bigat pa naman ng bags namen nun. Anyway, we settled down sa bahay na may 2 beds, hot and cold shower, safety deposite box, cable tv, aircon. Mura ito sa P1800 / night. Pag ka kuha ng susi ay punta kaagad sa room para mag ayus ng gamit at magpahinga sandali. Dahil ang bigat ng bags na dala ko. Hehehe, bag nila Acel.
Our First Boracay Experience
Pagkapahinga, around 3:45PM we decided to head down to the beach. Very memorable ang moments nay un. Unanag tapak sa buhangin ng Borcay, unang lusong sa dagat. Lahat yun. Nag kwento pa nga si JP na ang layo daw ng pinuntahan naming para mag swimming. Taxi, tapos, plane, Van tapos banka, then tricycle.. Masaya din ako kase masaya silang dalawa ni Acel. Natuwa ako lalo ng mag thankyou sa akin si Acel. Masarap ang feeling ko nun lalo na ng na experience naming ang unang sunset sa Boracay. Kakaiba talaga. Magical ika nga. Napagod kame kaya umuwi muna kame para magbihis. Dahil basa nga kame, Iisa lang ang banyo kaya hintayan. Habang naghihintay sa dalawa (oo naman, matagal maligo ang mga babae), nag aya na uminom si harry. Binuksan na nya ang Tequilla na Jose Cuervo. Nag inom na kame bago maisipan kumain. Late na kame naghanap ng makakainan kaya gutom na talaga kame. Nag mamarikulyo na nga si JP nun. May napuntahan kame na restaurant na mga sizzling dishes ang sine serve nila. Dun kame kumain, My big mouth ata yung name ng restaurant. Masarap ang pagkain ditto in fairness naman, yun nga lang may kamahalan ang presyo. Burger steak kay JP, chicken teriyaki kay Acel at Grilled chicken pasta pesto ang sa akin. Si Harry Sizzling T-bone steak at si ayeene naman ay sizzling squid. Massarap at nabusog kaming lahat. Pauwi nag plano na kame ni Harry sa iinumin. Ayun tinuloy naming yung Cuervo at ang pulutan ay yung baon naming mga tsitsirya. Masaya at nakakatuwa kase itong si Harry, yung mga shot glass kase naming may mga pangalan na at tig iisa kame. Samaka tuwid naubos naming yung isang litro. At humirit pa kame ng isa. Sa puntong iyon wala na kaming pulutan. Habang inaayos ko yung isang bote ng cuervo bumaba si harry at bumili ng pulutan. BBQ daw bibilin nya. Pagdating may dalang isang balutan at may dalang plato at sawsawan. Dami nya nabili, Pork BBQ, Isaw, Hotdogs, Tenga ng baboy. Sarap na sarap kame. Hala inom pa. sa kasasrapan ng BBQ, namaga yung bibig ko sa anghang, hahaha, Promise, anghang talaga, tinanong ko si harry kung ano nilagay dun. Sabi daw kase sa kanya ng nag bebenta “regular or hot n spicy?”, sagot daw nya “hot n spicy!”. Ayun super hot nga sya. Matapos tamaan at maubos ang pulutan, nagligpit na kame at naghanda na matulog. Si ayeene bitin ata. Gusto pa lumabas at gumimik. Ako di ko na din kaya. Siguro dahil na din sa pagod sa byahe.
At last nakapunta na din ako sa Boracay. I'll post stories later on. For the mean time you can look at our pictures via multiply. http://alimuom.multiply.com
Monday, January 26, 2009
"Nostalgia"
I was reading my past post on this blog. As in Binasa ko isa isa. I can't think but laugh sa mga sinasabi ko dun. Parang Novel pala, May plot at story line na aabangan mo. Mga nakalimutan ko ng bagay, mga pangyayaring maganda o kaya di masyado maganda. Nagbalik lahat. Nakakatuwang isipin eh, plus may pictures pa, yung iba nga lang e wala na sa host na site kaya dina ma retrieve, Anyway nag enjoy ako basahin yun. Yung mga time na war pa kame ni Acel, nag punta kame sa Puerto Galera, yung walang kuryente dahil bumabagyo, at madami pang comment na diko lubos maisip. Nag nostalgia lang ako nun. Naghahanap kase ako ng pictures ng beach. hehehe
Naka plano na kase ang pagpunta namin sa Boracay sa last week ng feb. Itt's going to be a life changing experience dahil madaming first time. Plane, Bora, etc. ayun.
Monday, January 12, 2009
"Resurrected" This is from the T-shirt on last Saturday's event. 15th year anniversary of the band Resurrected. Bangus proud to have joined the line-up in this momentous occasion. Thank You! and more power to underground Metal!
Monday, January 05, 2009
New year
Before anything else, lets recap the year that was 2008
January - I sold my epiphone flying V guitar to get my BC Rich Iron Bird Bass
Nag Retreat kame ng mga taga Letran sa Baguio, Super Lamig.
February - Wala ako matandaan
March - I got the PSP2000 Piano Black edition. Naaliw ako kase may Castlevania na game. (eto Sana yung pang Bicol namin ni Acel or Puerto Galera). Graduation ni Acel at ang Grad gift ng Papa nya as Asus F9e na laptop.
April - Nagpunta kame sa Pagudpud at ilocos Norte, and Laog. Masaya itong trip na ito kasama mga taga Letran.
May - More outings and out of town. Meron din Swimming na may inuman lang with Acel and tropa. Fiesta sa bahay at kila acel nagkasabay. Nag Puerto Galera ako kasama si Nanay.
June - wala naman gaano activity , Bangus lang!
July - Bday ko na ordinary day lang (As usual). Wala din ako matandaang Gift. Hahaha.Kila Eric ako nag Bday.
August - Work lang. Konting Inuman.
September - Bday ni Acel. Nahabang preperasyon ito. One of my Biggest gift ito sa kanya. Dami din bisita at Pulutan at inman. Nasa Multiply site ko yung pics namin dito. (eto isa)
October - December = Hey wire na, dami nangyare. Nakabili ako ng Netbook na Blue H1. Tapos sunod Sunod na bili ng gadgets ko. Digicam, Portable hard drive, may nagbigay din pal sa akin ng USB Speakers for the UMPC. Logitech, galing kay Carlito.
Sony Cybershot DSC W120
Portable HDD 80GB assemble for only P2.5K
Mga gadgets ko po. este boxes nila.Blue H1 UMPC saka yung speaker na bigay ni Carlito
2009
2009 is here, I was looking forward to a brighter and life changing event this year. I don’t like making new years resolutions. Tapos alam ko di ko naman din magagawa. Pero, heto, sige try lang:
Eat healthier meals
Lessen Smoking (might as well quit kase malaking katipidan ito)
Give more time to exercise kahit jugging lang
Have more time playing with my Bass.
Ayan magawa ko sana, lahat yan.
Wish List
Here now are things that I want to do and have this year:
Boracay – Yes! We have made reservations already this February. Pocket money nalang at accommodations ang kailangan para sa aming talo ni Acel at JP.
Internet via 3.5G - Smart o Globe basta magkaroon sana.
House and Lot???? hahahaha. Di lang pampamilya pang sports pa! ahahahaha