Wednesday, April 20, 2005

"Be Cool"

Kahapon nagkasundo kami ni Cecile na manood ng sine. "Be cool". Akala nya na check ko na na showing na yung movie. Ganun din ako sa kanya. Wala kaming ka malay malay, pag dating namin dun iba ang palabas. Ewan ko ba kung tapos na o hindi pa showing yung movie. Malamang na tapos na, kase iba na ang nakalagay sa next attraction e. Nakakatawa talaga kame kagabi. Kaya hayun, kumain nalang kami sa tokyo tokyo. Bumili kami ng Lychee shake sa may labas tapos kumain kami ng California Maki. naka 12 na piraso ata kami nun. Tapos ayun, umuwi na kami, nakaka tawa talaga.

Thursday, April 14, 2005

"LSS: Last Song Syndrome"

Nakikinig ako ng MP3, Eheadz po. Tapos napakinggan ko yung kanta nilang "para sa masa". May part lang ng lyrics na gusto kong i share kase eto ang feelings ko ngayong mga oras na ito. here it is:


ilang taon na ring lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo
la la la la la la la la. . . . . .
pinilit kong iahon ka
ngunit ayaw mo namang sumama
...huwag mong hayaang ganito
bigyan ang sarili ng respeto

Yun lang naman. Di na kailangan siguro i explain. Naka relate ka ba?

Wednesday, April 13, 2005

"I wish!"

Bakit ganito title? Nakita ko kase kahapon sa Net yung Ipod Shuffle na 512MB. Ang gara, ang ganda, at mura pa. Medyo affordable. Mas sakto sya sa pangangailangan ko. Di malaki at di naman gaano maliit ang kapasidad ng mga kanta na kasya dito. Napaisip tuloy ako kung paano ako makakabili nito. Sumagi din sa isip kong Ibenta ang ilan sa magagandang CD's ko. Pero nanaig pa din ang pagka senti ko. Lahat ng CD ko kase may sentimental value sa akin. Kahit nga CDR lang yun. Para bang may ibig sabihin sa akin bawat kanta. Bawat kanta = Alaala. Naisip ko din na maghanap ng mga lumang gamit para ibenta, pero sabi ko sa sarili ko, "wag nalang, mag iipon nalang ako". So eto ako, nag iipon. matagal pero bahala na si Batman. ahehehe!
Eto maganda, kanina nakausap ko yung boss ko. Sabi nya matatanggap na daw namin yung Merit Insentives namin sa May. Malamang sa katapusan yun ng mayo. Well, pandagdag na rin yun sa ipon ko. Bahala na nga. Ahehehe malayo pa yun at marami pang pedeng mangyari. Nakakatuwa lang kase talaga yung Ipod e.

Tuesday, April 12, 2005

"Ano ba yan!? part 2"

Nakausap ko ulit si Cecile kagabi, hindi pa pala sya nag quit sa training nya. Nagpalipat muna sya sa 2nd batch ng training. Enough time para makahanap nga ulit ng panibagong trabaho. Para kung sakali pede nya pa balikan kahit alam kong malabo na ito. Sayang nga talaga. Nahihirapan na daw sya. Nwawalan na din ng gana. Sabi ko naman, ganyan talaga ang buhay. Sabi nya kase " not fair, nakakuha nga ako ng trabaho si Jp naman ang problem". Kelan ba naging fair ang buhay!? Depende nalang kung papaano mo i-handle. Sabi ko din sa kanya na isipin mabuti ang solusyon sa problema at wag isipin yung problema. At ang frustrations gamiting drive para magsumikap at umunlad, at wag isiping hadlang. Hay, sana makahanap sya ng work. As in day job ang kailangan nya. Wala din naman ako magawa. Eto lang kaya ko siguro, Hindi na rin masama. Bigyan sya ng lakas. Lakas para hindi sumuko. Sabi ko nga sa kanya " Isipin mo nalang pag nagtagumpay ka na, dati muntik ka ng mag quit, pero buti nalang hindi mo itinuloy, at dahil dun narating mo ang mga pangarap mo". Kaya, Lets hope and pray na ma solve na itong problem na ito. Prayer! Amen.

Monday, April 11, 2005

"Ano ba yan!?"

Kahapon ng gabi, nag-punta ako sa bahay nila Cecile. The usual, linggo kaya magsisimba kame. Pag dating ko natutulog sya sa may sofa nila. Napagod siguro kaya naisipan munang umidlip. Tinatawag nga sya ng kapatid nya para gumising dahil nga andun ako. Sabi ko naman na hayaan nalang at baka pagod. Sa makatuwid di kame nakapagsimba kagabi. Masama man, pero okay na rin siguro yun. Panahon yun para makapagusap kame. Yun nga. Nalaman ko na nagkakaproblema pala sya kay Pipoy. May bago kase syang trabaho. Sa "call center" at pang gabi po sya. Strat na ng training nya. Hinahatid ko pa nga sya. Kaso eto nga. Matamlay daw si Pipoy palagi at ayaw na syang papaalisin sa tabi nya, lalo na kung gabi. Ewan ko kung papaano? Sayang talaga yung work opportunity, kaso kawawa naman si Pipoy. Ang hirap diba? Ako man ang lumagay dun e. Mawiwindang ka sa kaiisip. Naiiyak na nga sya e. Kaya ako naman, suporta na lang ang kaya ko ibigay. Ang sabi ko lang e, Kung san sya masaya, dun din ako. Suggest ko din na kung ganun na nga, iwan na lang ang work at maghanap ulit ng iba. Kahit mahirap maghanap, ganun talaga. Sayang man pero ganun talaga buhay. Kaya Good Luck! Makahanap na sana ng Peace of mind ang bebe ko. ~end~

Friday, April 08, 2005

"Gusto nyang mag swimming"
Haaay, buti at naisipan kong sumulat ulit dito. Natapos ang aming company outing sa Abucay, bataan nung Abril 1-2. Masaya ang mga empleyado at solve ang lahat. Napakahaba ng oras para nakapag relax, mag enjoy at kasama na rin ang malasing. Overnight kase kaya medyo hindi kami bintin sa mga happenings. May billiards at videoke kung ayaw mo mag swimming dahil mainit ang araw. Pede karing magkulong sa fully airconditioned rooms at dun manood ng TV, mag kwentuhan, magkulitan, at maglaro ng kung ano-ano tulad ng board games at baraha. Sa Raven's Resort Abucay Bataan nga pala yung outing namin. Gabi naging actibo ang lahat kung saan naglabasan ang mga inumin at sankatutak na pulutan. Kasama pa ang mga kantahan. Nakakatuwang tignan dahil lahat tayo pantay pantay pag dating sa ikakaligaya natin. Simpleng inumin lang pero na break nya yung bounderies ng isang empleyado sa kapwa empleyado. Kasama na ang mga guwardiya at mga janitors. Lahat masasaya nung gabing iyon. Sa susunod na taon, ganito din kaya? Sana naman. Nag enjoy talaga ako!