Wednesday, March 23, 2005

"Isip naka-kahon"

Tagal ko na palang walng nailagay dito. Marahil na ba badtrip ako sa page ko e. Tignan nyo naman po. Wala sya sa alignment at tinatamad na akong alamin kung bakit sya nag ka ganito. Isa din siguro ay madami akong ginagawa. Sa trabaho, sa pansarili, at syempre sa mahal ko. Nag spend ako ng time sa kanila. Oo kanila, 2 po sila. Bahala na kayo kung ano iisipin nyo.

Sinimulan ko rin magkaroon kase ng sariling journal. Maliit na notebook yun. Dun ako nagsusulat kadalasan at pinababasa ke Batuel. Hayaan nyo pag may oras ako, ilalagay ko dito yung ilang entries ko na maari nyong malaman. Ilan kase sa mga nakalagay dun ay medyo personal na. Na siguro pede lamang mabasa kapag kaming 2 ay yumao na (wag naman sana, tagalan nyo pa po lord!).

Sa ngayon, gusto ko talagang buhayin ang aking blogger. pagpalain sana ako sa aking ninanais. Napansin ko din na tagalog na tagalog ako ngayong araw na ito. Marahil siguro dahil sa tulang ito na nais kong ibahagi sa inyo. Mag enjoy sana kayo sa tulang ito.

Lahat ng Hindi Ko Kailangang Malaman, Natutunan Kosa Pelikulang For Adults Only
by Jose F. Lacaba

Marumi ang pulitiko, pero malinis ang budhing puta.

Ipokrito ang pari, pero may ginintuang puso ang puta.

Nagpapaaral ng kapatid na magpapari ang puta.

Namumutiktik sa putang ina at anak ng puta ang malaswang bibigng puta.

Nalululong sa droga ang anak ng puta.

Ayaw ng putang ina na ang anak niyang babae'y masadlak sa pagpuputa.

Ang unang tikim sa luto ng Diyos ay ipinapatikimng puta.

Bukas ang simbahan kahit madaling-araw tuwing magdadasal ang puta.

Nagbubulungan ang mga manang na nakakasalubong ng puta.

Ginahasa ng tiyuhin ang puta kung kaya siya nag puta.

Tulak ng kahirapan kung kaya nagputa ang puta.

Hindi nagpapahalik sa labi ang puta.

Kapwa puta ang mga kabarkada ng puta.

Magandang lalaki ang nag-aalay ng tapat na pag-ibig sa puta.

Masungit na ina ng magandang lalaki ang nag-aalok ng pera para lumayo ang puta.

Kung binabaril ang bidang lalaki, yumayakap at tinatamaan ang puta.

Tanging kamatayan ang tutubos at magpapatawad sa kaputahan ng puta.

Sigaw ng puta: Pare-pareho naman tayongputa!

No comments: