Wednesday, March 30, 2005

"Pelikula"

Kakatapos ko lang mananghalian kasa ang aking mga ka opisina dito sa aking pinagta trabahuhan. Napagusapan namin ang ilang mga magagandang pelikula. "Jologs" ika nga. Mga lumang pelikulang Pilipino. Naalala ko pa na Black and White pa yung TV at mga palabas noon. Na Inaabangan lahat ng tao ang palabas na may san da makmak na commercial. Lahat nakasilip pati sa bintana para mapanood lang yung palabas. Ilan sa mga ito ay ang mga sikat na artista tulad ni FPJ, Dolphy, Eddie Garcia, Chikito, Redford White, NiƱo Mulach, At mga pelikulang tulad ng Darna, Capt. Barbel, Kumander Surot, Estong Tutong, Kape at gatas, Kumander bawang, Wag mong buhayin ang bangkay, Tuklaw, Sino si Amang, Berong Bayong, Waway, At sino makakalimot kay Ramon Revilla na sangkaterbang anting anting ang dala tulad ng Kapitan Inggo: Kumakain ng bala, Elias Paniki, Nardong Putik, bianong bulag, at marami pa. Nakatuwa diba? Pati yung mga alallay napagusapan namin e. Tulad ni Amay bisaya, Pablo Birtuso, Dencio Padilla, Tintoy, Apeng Daldal, Panchito, At syempre mga pelikula nung 80's na bida sila Tito, Vic, At Joey. Hahahaha. Tawa kame ng tawa sa mga esilo ng pelikula nung araw. At nakiuso pa sa porma ng Badgets, Gary V. At sino ang hindi nagsuot ng Puruntong shorts na pinauso ni Dolphy?
lahat yun napag kwentuhan namin. Yun lang...

No comments: