"Gusto nyang mag swimming"
Haaay, buti at naisipan kong sumulat ulit dito. Natapos ang aming company outing sa Abucay, bataan nung Abril 1-2. Masaya ang mga empleyado at solve ang lahat. Napakahaba ng oras para nakapag relax, mag enjoy at kasama na rin ang malasing. Overnight kase kaya medyo hindi kami bintin sa mga happenings. May billiards at videoke kung ayaw mo mag swimming dahil mainit ang araw. Pede karing magkulong sa fully airconditioned rooms at dun manood ng TV, mag kwentuhan, magkulitan, at maglaro ng kung ano-ano tulad ng board games at baraha. Sa Raven's Resort Abucay Bataan nga pala yung outing namin. Gabi naging actibo ang lahat kung saan naglabasan ang mga inumin at sankatutak na pulutan. Kasama pa ang mga kantahan. Nakakatuwang tignan dahil lahat tayo pantay pantay pag dating sa ikakaligaya natin. Simpleng inumin lang pero na break nya yung bounderies ng isang empleyado sa kapwa empleyado. Kasama na ang mga guwardiya at mga janitors. Lahat masasaya nung gabing iyon. Sa susunod na taon, ganito din kaya? Sana naman. Nag enjoy talaga ako!
No comments:
Post a Comment