Monday, September 04, 2006

"Ang Cellphone nga naman"

Maraming beses na din ako naka pag blog tungkol sa cellphone ko. Yng nasa taas yan ang cellphone ko ngayon. Matagal na yan at medyo luma na. Isang taon mahigit na sa akin yan. Wala... Naisip ko lang ang mga nagagawa ng cellphone sa buhay ng mga Pilipino. Palagi nating dala ito at nasa bulsa o bag natin at handang ilabas sa oras na tumunog ito o mag vibrate dahil may nag message o may tumatawag. Mura lang kase ang bayad sa serbisyong nakukuha natin sa mga Malalaking kumpanya ng cellphone. E pano naman sila hinde kikita ng milyon2x, e sa letrang "K" nalang, oo "K" kumikita na sila ng 3M. Yung mga txt msg sayo na nagtatanong at imbes na sagutin mo ng "Oo-kasunod ang tanong nya" ay sasagutin mo nalang ng "k". kung 1 milyon kayong nag txt ng "k" sa piso isang txt, edi 1M na un.

Problema sa cellphone (Kaya mas okay pa ang Nokia 5110 kumpara sa mga higher models)
Kung hinde pakielamera yung GF, ka MU, FUBU, at kung ano ano pang relasyon, okay lang ito. Subalit pag medyo makulit na, ayan na ang problema. eto ang ilan:

-Colored phone na may wallpaper "Honey bakit di mukha ko o mukha natin nakalagay sa wallpaper ng fone mo?" Buti pang mag Nokia 5110 ka.
-High Memory Capacity "Hon, san na yung mga txt msg ko sayo" Puro Fwd msg naman. Buti pa nung naka N5110 ka 15 msg lang puno na.
-Recent calls and sent items "Sweet, sino tong number na tumawag sa iyo, at sino tong ti next mong ito aber?" Balik ka nanaman sa 5110. na walang ganung feature.
-High end camera "Darling lets take our picture" na kahit nag drive ka o nasa loob kayo ng bus o FX. Pinagtitinginan kayo ng tao o pinagsisimulan ng traffic.
-MP3 player & radio "honey peram naman phone mo at mag sounds lang ako". Ayun ubos kaagad ang battery ng cell mo.
-Blue tooth devices "Love bluetooth ko sayo mga pictures ko kagabi ha". na kahit everyday na kayo nagkikita gusto nya punuin ng pics yung phone mo dahil puno na yung sa kanya.


Nadami pa ito.. to be continued...

No comments: