Monday afternoon was fine, then came 5:00pm and it started to get dark. Tapos ayan na. Thunder and lightning came. At around 6:05 I was at the gate of our office ready to go home and get my guitar and gears for our 8-10pm rehearsal at GiG in Cubao. Unfortunately the rain was so heavy. Pero kahit na malakas ulan at wala akong paying lumusob ako para makarating on time. Pagdating ko sa Lawton nakasilong ako sa ilalim ng tulay at naghintay ng FX. Nakasakay ako, byaheng Fairview. Pero bago makaakyat ng tulay ng Quiapo at bigla kaming nabangga. Wow hassle talaga. So I decided to go down and find a new ride. Pag baba ko nakita ko, 3 pala ng nagkabanggaan. 2 jeep at yung fx na sinasakyan ko. Silong ako sa ilalim ng LRT. Ayun nakasakay ako ng byaheng Dapitan. Oo kahit alam kong baha sa Dapitan sumakay pa din ako dahil balak kong bumaba nalang sa quiapo at dun sumakay ng Balik2x dahil alam kong baha na din sa EspaƱa. So there bumaba ako sa may Arlegui sa Quiapo at naghanap ng masasakyan. Nakakita ako ng Lealtad at agad akong sumabit. Nalaman ko nalang na hanggang sa Bustillos lang pala ang byahe sa may simabahan. Dun na ako inabutan ng syam syam. Wala ng ulan pero baha pa din sa ilang bahagi at traffic talaga. Dun na ako inabutan ng gutom kaya ng decide na akong kmain sa chowking. Pagkakain ko gad akong lumabas at may nakitang byaheng Balik2x na jeep. Sumabit ako dahil isa lang naman ang nakasabit so nagging 2 na kame. Mahusay naman ang biyahe kahit dahan dahan. Bumagal lang ito banding Oro. At dun na. May lasing na mama at nag tatrafic sya. Nagalit sa ilang mga driver dahil singitan daw ng singitan. Aakalain ko bang pag iinitan din yung driver namin gawa ng nasa tama naman kaming linya! Langya sinuntok yung driver ng jeep na sinasakyan ko at eto naman driver ay kumuha ng tubo at mag aaway pa ata. Buti nalang napigilan ng mga tao. Ako bumaba ako at nagsimula ng maglagad. Unfortunately hanggang M. dela fuente sa G. Tuazon lang ang kaya kong lakadin dahil sa baha na banda dun. Nakita ko yung pinsan ko at nagtawanan kame. Ayun may biglang bumiyaheng jeep at kaagad kaming sumakay. NAsa bahay ako mga 9:00pm. Nagbihis at kihuha mga gamit para kitain si Tonyo para sa rehearsal sa GiG. Ayun, when we came, may nag ensayo na. But the technician managed to snag a slot for us 11-12am daw. We agreed and waited. We still got to rehears at least 3 of our songs. Yung 2 kase Sabbath cover e. Yun. Tindi ba?
No comments:
Post a Comment