"Ano ba yan!?"
Kahapon ng gabi, nag-punta ako sa bahay nila Cecile. The usual, linggo kaya magsisimba kame. Pag dating ko natutulog sya sa may sofa nila. Napagod siguro kaya naisipan munang umidlip. Tinatawag nga sya ng kapatid nya para gumising dahil nga andun ako. Sabi ko naman na hayaan nalang at baka pagod. Sa makatuwid di kame nakapagsimba kagabi. Masama man, pero okay na rin siguro yun. Panahon yun para makapagusap kame. Yun nga. Nalaman ko na nagkakaproblema pala sya kay Pipoy. May bago kase syang trabaho. Sa "call center" at pang gabi po sya. Strat na ng training nya. Hinahatid ko pa nga sya. Kaso eto nga. Matamlay daw si Pipoy palagi at ayaw na syang papaalisin sa tabi nya, lalo na kung gabi. Ewan ko kung papaano? Sayang talaga yung work opportunity, kaso kawawa naman si Pipoy. Ang hirap diba? Ako man ang lumagay dun e. Mawiwindang ka sa kaiisip. Naiiyak na nga sya e. Kaya ako naman, suporta na lang ang kaya ko ibigay. Ang sabi ko lang e, Kung san sya masaya, dun din ako. Suggest ko din na kung ganun na nga, iwan na lang ang work at maghanap ulit ng iba. Kahit mahirap maghanap, ganun talaga. Sayang man pero ganun talaga buhay. Kaya Good Luck! Makahanap na sana ng Peace of mind ang bebe ko. ~end~
No comments:
Post a Comment