Wednesday, April 13, 2005

"I wish!"

Bakit ganito title? Nakita ko kase kahapon sa Net yung Ipod Shuffle na 512MB. Ang gara, ang ganda, at mura pa. Medyo affordable. Mas sakto sya sa pangangailangan ko. Di malaki at di naman gaano maliit ang kapasidad ng mga kanta na kasya dito. Napaisip tuloy ako kung paano ako makakabili nito. Sumagi din sa isip kong Ibenta ang ilan sa magagandang CD's ko. Pero nanaig pa din ang pagka senti ko. Lahat ng CD ko kase may sentimental value sa akin. Kahit nga CDR lang yun. Para bang may ibig sabihin sa akin bawat kanta. Bawat kanta = Alaala. Naisip ko din na maghanap ng mga lumang gamit para ibenta, pero sabi ko sa sarili ko, "wag nalang, mag iipon nalang ako". So eto ako, nag iipon. matagal pero bahala na si Batman. ahehehe!
Eto maganda, kanina nakausap ko yung boss ko. Sabi nya matatanggap na daw namin yung Merit Insentives namin sa May. Malamang sa katapusan yun ng mayo. Well, pandagdag na rin yun sa ipon ko. Bahala na nga. Ahehehe malayo pa yun at marami pang pedeng mangyari. Nakakatuwa lang kase talaga yung Ipod e.

No comments: