"Ano ba yan!? part 2"
Nakausap ko ulit si Cecile kagabi, hindi pa pala sya nag quit sa training nya. Nagpalipat muna sya sa 2nd batch ng training. Enough time para makahanap nga ulit ng panibagong trabaho. Para kung sakali pede nya pa balikan kahit alam kong malabo na ito. Sayang nga talaga. Nahihirapan na daw sya. Nwawalan na din ng gana. Sabi ko naman, ganyan talaga ang buhay. Sabi nya kase " not fair, nakakuha nga ako ng trabaho si Jp naman ang problem". Kelan ba naging fair ang buhay!? Depende nalang kung papaano mo i-handle. Sabi ko din sa kanya na isipin mabuti ang solusyon sa problema at wag isipin yung problema. At ang frustrations gamiting drive para magsumikap at umunlad, at wag isiping hadlang. Hay, sana makahanap sya ng work. As in day job ang kailangan nya. Wala din naman ako magawa. Eto lang kaya ko siguro, Hindi na rin masama. Bigyan sya ng lakas. Lakas para hindi sumuko. Sabi ko nga sa kanya " Isipin mo nalang pag nagtagumpay ka na, dati muntik ka ng mag quit, pero buti nalang hindi mo itinuloy, at dahil dun narating mo ang mga pangarap mo". Kaya, Lets hope and pray na ma solve na itong problem na ito. Prayer! Amen.
No comments:
Post a Comment