"Same Old"
Ive written this poem a long time ago. try to view it at my web page "Sa bawat pagtibok ng puso". Pls. give me some credits if you would like to use it. Here is the poem by the way. Comments are very welcome.
Sa bawat pagtibok ng puso
Sa bawat pagtibok ng puso
Di maipaliwanag na kiliti ang nararamdaman
Sa tuwing tayo ay magkasama
Magkatabi sa buong maghapon
Di na nga kailangang magsalita pa, para ipadama
Ang damdamin natin sa bawat isa.
Sa bawat pagtibok ng puso
Wala tayong pakialam
Wala nga tayong imikan, kahit sikmura ay kumakalam
Di man lang natin inaalintana
Kahit abutin tayo ng magdamagan
Hanggang sa ang bukas ay maging ngayon na.
Sa bawat pagtibok ng puso
Di ko man lamang namalayan
Na ikaw pala ay nagpapaalam na
Napaka tanga ko naman para di ko malaman
Na ang dati mong yakap ay di na kasing-init ng dati
Mga halik mo ay naging yelo na rin.
Sa bawat pagtibok ng puso
Ibayong sakit na ang nararamdaman
Sapagkat di na tayo magkasama
Sakit sa ulo sa buong maghapon
Di na ako nag-sasalita pa, dahil wala na akong madama
Na pag-ibig. Wala na.
Sa bawat pagtibok ng puso
Nawawalan na ako ng gana!
Sa bawat pagtibok ng puso
Galit na ang kasama!
Hayaan mo, Bukas
maghahanap na ako ng iba.
--Alimuom
No comments:
Post a Comment